Construction worker, sugatan sa pamamaril sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte
- Teddy Borja
- Aug 21
- 1 min read
iMINDSPH

Sugatan sa pamamaril ang isang construction worker sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Kinilala ang biktima na si Hareson Esmael Sanday, 29-anyos, residente ng Broce, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Binaril ang biktima sa Barangay Rebuken ng bayan, araw ng Miyerkules, August 20.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-2:00 ng hapon, habang nagkakabit ng konkretong pader ang biktima, bigla itong pinaputukan ng hindi pa tukoy na suspek gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.
Tinamaan sa likod ang biktima ngunit nagawa pa nitong tumakbo at makapasok sa isang bahay upang humingi ng saklolo.
Agad namang isinugod si Sanday sa Cotabato Regional and Medical Center para sa agarang lunas. Samantala, tumakas ang suspek patungo sa hindi malamang direksyon.
Patuloy ang imbestigasyon upang malaman ang motibo ng pamamaril habang nananatiling at large ang suspek.



Comments