Contingency planning workshop, ikinasa ng LGU Sultan Mastura upang palakasin ang kahandaan sa anumang sakuna o kalamidad at magkaroon ng epektibong disaster management ang bayan.
- Diane Hora
- Dec 4
- 1 min read
iMINDSPH

Mula sa pagbibigay-kaalaman ng kahalagahan ng kahandaan sa sakuna hanggang sa pagpapatibay ng koordinasyon ng mga ahensya hanggang sa barangay level, mas napalakas pa ang pagbuo ng istruktura ng contingency plans ng Sultan Mastura LGU sa anumang uri ng sakuna kasunod ng isinagawang Contingency Planning Workshop.
Sa ilalim ng liderato ni Sultan Mastura Mayor Datu Armando Mastura Sr., pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ang tatlong araw na workshop na dinaluhan ng iba’t ibang departamento ng LGU, emergency responders, Civil Society Organizations, at partner agencies.
Sa huling araw, sumailalim sila sa scenario-based question and answer at situational simulation exercises kung saan, sa bawat inilatag na mga sitwasyong nangangailangan ng pinagsamang mobilisasyon, malinaw na inilahad ng bawat sektor ang kanilang mandato, hakbang, at agarang tungkulin.
Muli ring sinuri ang limang pangunahing elemento ng Disaster Risk Reduction and Management: Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster Response, Disaster Rehabilitation and Recovery, at Post-Action Assessment.
Binigyang-diin din ng MDRRMC ang mahalagang tungkulin ng Incident Management Team at Emergency Operations Center sa pagdaloy ng impormasyon, pagsusuri, pagmomobilisa ng resources, at pagpapaigting ng koordinasyon sa lahat ng antas ng pamahalaan.
Inaasahan na sa pagtatapos ng training ay magkakaroon ng mas epektibong disaster management ang bayan.



Comments