top of page

CORE 4 Technical Working Group, na kinabibilangan ng army officials mula sa Pilipinas, Amerika, Japan at Australia, nagsagawa ng 2-star level meeting para planuhin ang mga susunod na pagsasanay

iMINDSPH


Nagpulong ang matataas na Army officials ng Pilipinas, Amerika, Japan at Australia para planuhin ang mga susunod na pagsasanay militar sa hinaharap ayon sa report ng Radyo Pilipinas.


Kabilang ito sa mga tinalakay sa isinagawang 2-star level meeting ng CORE 4 Technical Working Group sa punong tanggapan ng Philippine Army sa Fort Bonifacio sa Taguig City.


Tinutukan din sa pulong ang pagpapatibay ng collective defense capabilities upang palakasin pa ang istratehiya laban sa anumang uri ng bantang pangseguridad, dagdag sa report.


Sinabi ni Philippine Army Spokesperon, Col. Louie Dema-ala sa report na ipinunto sa pulong ang kahalagahan ng information sharing at mutual trust ng mga magkaalyadong bansa para sa mas epektibong multilateral cooperation.


Nangako muli ang mga bansang kaanib ng tinaguriang CORE 4 na patatagin ang regional security gayundin ang operational synergy sa naturang mga bansa ayon sa report.


Inaasahan naman na masusundan pa ang naturang pagpupulong sa Mayo ng taong ito na gagawin sa Hawaii, ayon sa report.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page