top of page

Cotabato City Government, inatasan na ang Cotabato City Police Office na tiyaking mapanagot ang nasa likod ng pamamaril kay Professor Tahir Nalg, ang Director General ng Madaris Education ng MBHTE

  • Teddy Borja
  • Nov 28
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Mariing kinokondena ng Pamahalaang Lungsod ng Cotabato ang pamamaril kay Professor Tahir Nalg, ang Director-General ng Madaris Education ng MBHTE, na naganap sa Barangay Rosary Heights 9 ng syudad.


Ayon sa lokal na pamahalaan, ang insidente ay isang paglapastangan sa kapayapaan at kaayusang matagal nating pinagsikapang pangalagaan sa lungsod.


Sinabi ng Cotabato City Government sa inilabas na official statement nito hinggil sa insidente na inatasan na ang Cotabato City Police Office na sundan ang bawat lead, gamitin ang lahat ng kinakailangang resources, at tiyaking mapanagot ang mga salarin.


Hindi umano kukunsintihin ng Administrasyong Para sa Lahat ang anumang anyo ng karahasan o pang-aabuso.


Dagdag din sa pahayag na sa nakalipas na taon, nakapagtala ang Cotabato City ng 42% na pagbaba sa index crimes-

patunay anila na unti-unting lumalalim ang kultura ng kapayapaan at disiplina sa lungsod.


Ayon sa LGU, nawa’y magsilbing paalala umano ang insidente upang palalimin pa ang kolektibong hangaring protektahan ang kapayapaan.


Nawa’y maging malinaw ayon sa LGU Cotabato City na ang sinumang magtatangka na guluhin ang kapayapaan ay mananagot.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page