iMINDSPH

Nasawi sa pamamaril sa loob ng construction site ng KCC mall sa Cotabato City ang 28-anyos na si Roland Dagu-an, isang site engineer, at residente ng Pagadian City.

Sugatan naman ang construction worker na si Reno Delos Santos na residente ng General Santos City.

4 na basyo ng bala ang natagpuan ng otoridad sa crime scene.
Nangyari ang pamamaril ayon sa report ng otoridad ala 1:46 kaninang hapon.
Ayon sa otoridad Dead on Arrival sa pagamutan ang 28-anyos na site engineer na residente ng Pagadian City.
May anggulo nang tinututukan ang otoridad sa krimen.
Comentários