Cotabato City Public Terminal, tinungo ng mga konsehal at bise alkalde ng lungsod at pinag-aralan kung paano patakbuhin ang terminal
- Diane Hora
- 8 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Tinungo mismo ng mga miyembro ng 18th Sangguniang Panlungsod ang Cotabato City Public Terminal sa Barangay Mother Tamontaka, araw ng Huwebes, July 31.
Pinag-aaralan ng mga opisyal kung papaano papatakbuhin ang terminal para mabigyan ang lahat ng pantay na oportunidad na magamit at kumita sa bagong pampublikong terminal.
Upang matiyak ang kalinisan at seguridad ng terminal, magiging aktibo rin sa kanilang tungkulin ang iba’t ibang ahensya ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa LGU, marami na ang interesadong pumasok at magbenta sa terminal, kabilang na rin ang ibang public utility vehicles na nais makapag-operate sa bagong terminal.
Makikipagpulong naman ang Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga magiging ruta na kokonekta sa terminal sa mga karatig lungsod at probinsya.
コメント