Cotabato Provincial Council, hinikayat ang DBM na maglaan ng pondo para sa completion at operationalization ng Central Mindanao Airport; Probinsya, naghayag din ng intensyon na maging host sa pagpapat
- Diane Hora
- Aug 22
- 1 min read
iMINDSPH

Dalawang mahalagang resolusyon ang pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato sa mahigit isang buwan na panunungkulan ni Vice Governor Ella Taliño Taray kasama ang buong konseho.
Isa dito ang resolusyon hinggil sa Philippine Science High School Campus kung saan nagpapahayag ng intensiyon ang lalawigan na maging host sa pagtatayo ng campus.
Ayon sa bise gobernador, ito ay isang pamumuhunan para sa kinabukasan ng kabataan, upang magkaroon sila ng mas malawak na akses sa dekalidad na STEM education na kinikilala sa buong mundo.
Isa pang resolusyon ay kaugnay sa Central Mindanao Airport. Nanawagan ang SP sa DBM at Department of Transportation (DOTr) na pondohan ang pagtatapos at pagpapatakbo ng Central Mindanao Airport.
Ayon kay Vice Governor Taliño-Taray, matagal nang inaasam ang proyekto na magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa kaunlaran, konektibidad, at paglago ng ekonomiya sa lalawigan.
Ayon sa Bise Gobernador, ang mga hakbang na ito ay simula pa lamang aniya ng mas maraming programang ilalatag para sa kapakinabangan ng mga mamamayan ng Cotabato.
Dagdag niya, ang mabilis na pagkilos ng pamahalaang panlalawigan ay nag-iiwan ng malinaw na mensahe na ang serbisyong tapat at may malasakit ay agaran umanong mararamdaman ng mamamayan.



Comments