iMINDSPH
Tiklo si alyas “Satar”, 30-anyos, magsasaka, wanted sa kasong murder matapos isilbi ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit BAR (CIDG RFU BAR) ang Warrant of Arrest sa Barangay Mimbalawag, Calanogas, Lanao del Sur,araw ng Biyernes, a-20 ng Setyembre.
Ang Warrant of Arrest ay inisyu ni Acting Presiding Judge ng Branch 11, 12th Judicial Region, Regional Trial Court, Malabang, Lanao del Sur na may petsa na December 5, 2023.
Walang inirekomendang piyansa ang korte.
Nasa kustodiya na ng CIDG RFU BAR-Lanao del Sur ang suspek para sa documentation at proper disposition.
Suspek ang magsasaka sa pagpatay sa isang Durian vendor noong August 2, 2023 sa Ngirngir, Calanogas.
Sinasabing binaril ng suspek ang biktima habang nagtitinda ng Durian at saka tumakas.
Ang pagkaka aresto kay alyas “Satar” ay bahagi ng pinaigting na Oplan “PAGTUGIS” ng CIDG RFU BAR.
Comments