top of page

𝟑𝟖 𝐋𝐎𝐎𝐒𝐄 𝐅𝐈𝐑𝐄𝐀𝐑𝐌𝐒 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐔𝐊𝐎 𝐒𝐀 𝟑𝟖𝐓𝐇 𝐈𝐁 𝐍𝐆 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐈𝐏𝐏𝐈𝐍𝐄 𝐀𝐑𝐌𝐘 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝟓 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐔𝐈𝐍𝐃𝐀𝐍𝐀𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑

Updated: Sep 23, 2024

iMINDSPH



Isinuko sa pamunuan ng 33rd Infantry Battalion araw ng Biyernes, a-20 ng Setyembre ang tatlumpo’t walong armas na kinabibilangan ng apat na RPG, tatlong Mortar, tatlong M203 Grenade Launcher, isang M79 Grenade Launcher, isang Carbine, limang Cal. 38 SMG pistol, limang 9mm Uzi SMG, apat na 9mm SMG, apat na Cal. 45 pistol, tatlong 9mm KG9 SMG, dalawang 9mm Engram SMG, dalawang 12 Gauge Shotgun at isang Cal. 45 Engram SMG.


Resulta ito ng pinalakas na Mobile Community Support Sustainment Program ng militar sa area of responsibility ng 6th Infantry Division at Joint Task Force Central.


Ang mga baril ay mula sa mga bayan ng Shariff Aguak, Datu Abdullah Sangki, Sultan sa Barongis, Mamasapano at Rajah Buayan.


Iprenesinta ang mga ito kay 601st Brigade Commander, Brigadier General Oriel Pangcog.


Sinaksihan ito ni Datu Abdullah Sangki Vice Mayor Samsudin Sangki; Shariff Aguak SB Member Daud Upam; Mr. Danialan Utap, Executive Secretary to the Mayor ng Sultan sa Barongis; Mr. Rogelio Gornez, Executive Secretary to the Mayor ng Mamasapano; Engr Tungko Tadtagan representative ni Mayor Bai Maruja Mastura ng Radjah Buayan at mga Barangay Kapitan mula sa iba’t-ibang bayan na nasasakupan ng 33IB.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page