Dalawang bangkay ng lalaki natagpuan sa Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur
- Teddy Borja
- 10 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa barangay Road, Sitio Atao, Barangay Tulunan, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur.
Alas 6:30 ngayong umaga, araw ng Martes, June 17 nang matagpuan ang mga bangkay sa nabanggit na lugar.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Datu Anggal Midtimbang MPS, parehong itong nakasuot ng maong shorts, jersey, at T-shirts.
Ang mga bangkay ay nagtamo ng tama ng bala mula sa hindi pa matukoy na uri ng baril.
Sa ngayon blangko pa ang awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga suspek, dinala na ang mga bangkay sa Villa Funeral Home sa Cotabato City.
Comments