Dalawang construction worker ang patay, habang sugatan ang isa pang kaibigan matapos pagbabarilin habang nag-iinuman sa Barangay Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
- Teddy Borja
- 19 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Dalawang construction workers ang patay, habang ang isang kaibigan ay sugatan matapos pagbabarilin habang nag-iinuman sa Barangay Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:25 ng gabi sa harap ng bahay ng isang kinilalang si Toto, isa sa dalawang nasawi sa pamamaril.
Ayon sa paunang imbestigasyon, bigla umanong dumating ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki at pinaputukan ang mga biktima gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.
Kinilala ang isa pang nasawi sa pangalang Renato, habang ang sugatan ay kinilala sa pangalang Emboy.
Agad na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa matukoy na direksyon matapos ang pamamaril.
Tinutukoy na ng pulisya ang mga suspek sa krimen.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa krimen.



Comments