top of page

Dalawang high-value individuals ang naaresto sa buy-bust operation sa Barangay Tambler, General Santos City; P204K halaga ng iligal na droga ang nasamsam

  • Teddy Borja
  • Dec 16
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Dalawang high-value individuals ang naaresto habang mahigit ₱200,000 na halaga ng shabu ang nasamsam sa isang buy-bust operation sa General Santos City.

Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Aron,” 22-anyos, at “Jimboy,” 35-anyos, parehong residente ng Barangay Apopong, General Santos City.


Ayon sa PRO 12, narekober mula sa mga suspek ang kabuuang 30.6 gramo ng hinihinalang shabu, kabilang ang buy-bust item at karagdagang droga, na may tinatayang halaga sa National Standard Drug Price na ₱204,000.00.


Kasama rin sa nasamsam ang buy-bust money na ₱1,000.00, mobile phones, personal belongings, assorted IDs, at kaunting cash.


Isinagawa ang inventory at marking ng mga ebidensya sa lugar ng operasyon sa presensya ng mga suspek at mga kinakailangang saksi.


Lahat ng nakumpiskang droga ay isinumite sa Regional Forensic Unit sa General Santos City para sa laboratory examination.


Kasulukuyan nang nasa kustodiya ng Police Station 5, General Santos City ang mga suspek habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa laban sa kanila.


Pinuri ni PBGEN Arnold P. Ardiente, Regional Director ng PRO 12, ang mga operatiba at katuwang na ahensya sa matagumpay na operasyon at tiniyak ang tuloy-tuloy na paninindigan ng kapulisan sa paglaban sa ilegal na droga para sa mas ligtas at drug-free na komunidad sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page