Dalawang umano’y tulak ng ilegal na droga, arestado sa buy-bust operation sa Koronadal City
- Teddy Borja
- Nov 12
- 1 min read
iMINDSPH

Himas-rehas ang dalawang indibidwal na umano’y tulak ng droga matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operation.
Ikinasa ng mga operatiba ang operasyon noong Lunes, November 10, sa Barangay Zone 3, Koronadal City.
Nasamsam sa operasyon ang tinatayang ₱68,000 halaga ng hinihinalang shabu.
Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Pablo”, 24 taong gulang, at “Pening”, 36 taong gulang kapwa walang asawa at residente ng Barangay Duguengen, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur.
Ang mga naarestong suspek at nakuhang ebidensya ay dinala sa Koronadal City Police Station para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.



Comments