top of page

Data Privacy Officer Training ng Provincial Government ng South Cotabato, matagumpay

  • Diane Hora
  • Dec 3
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Nakumpleto na ang required Data Privacy Officer Training ng Provincial Government ng South Cotabato na makakatulong sa pag-access at paggamit ng Community-Based Monitoring System data ng Philippine Statistics Authority para sa mas accurate at data-driven development planning.


Layunin ng training na ito na mas mabigyan pa ng sapat na kakayahan at kapasidad ang DPO na pangasiwaan ang digitalization of data at masigurong ligtas ang paglilipat ng mga mahahalagang impormasyon mula sa provincial level pababa sa local government units.


Naituro rin sa designated provincial staff ang data privacy laws, secure data handling, at responsible management ng sensitibong impormasyon.


Ngayong nakumpleto na ang training, legal at otorisadong makakapag-access na ang probinsya sa CBMS datasets na naglalaman ng critical socio-economic indicators na ginagamit sa pagbuo ng mga programa ng probinsya tulad ng sa sektor ng social services, agrikultura, kalusugan, edukasyon, poverty reduction, at disaster response.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page