iMINDSPH
Kumakandidato sa pagka-gobernador ng Cotabato Province si dating Agriculture Secretary at Mindanao Development Authority Chairman Manny Piñol.
Ilang minuto bago magsara ang huling araw ng filing of Certificate of Candidacy (COC) araw ng Martes, October 8-
naghain ng kandidatura si dating Agriculture Secretary at Mindanao Development Authority Chairman Manny Piñol sa pagka-gobernador ng Cotabato Province.
Inihain ni Piñol ang kanyang COC pasado alas 4:00 ng hapon sa Comelec Provincial Office sa Kidapawan City.
Makakaharap muli ni Piñol sa gubernatorial race si incumbent Governor Emmylou Taliño - Mendoza.
Matatandaang tinalo ni Mendoza si Piñol noong 2010 elections sa gubernatorial post.
Comments