Dating empleyado ng isang clothing brand, arestado sa loob ng isang Mall sa Cotabato City dahil sa pagnanakaw
- Teddy Borja
- Nov 10
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang lalaki na dating empleyado ng isang kilalang clothing brand matapos mahuling nagnanakaw sa loob ng isang mall sa Cotabato City.
Sa report ng Cotabato City Police Station 1, kinilala ang suspek sa alyas na “Tony”, tatlumpo’t tatlong taong gulang at residente ng Rosary Heights 6, Cotabato City.
Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, pasado alas-nuwebe ng umaga noong November 8, nakatanggap ng tawag ang mga pulis mula sa security guard ng mall matapos mahuli sa akto si Albo na nagnanakaw ng mga produkto sa clothing store.
Agad na rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Police Station 1.
Narekober mula sa sasakyan ng suspek ang mga GUESS products na tinatayang nagkakahalaga ng ₱120,000 at ₱4,000 na cash na umano’y ninakaw nito.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng istasyon ang suspek habang inihahanda ang kaso laban sa kanya na Qualified Theft.



Comments