top of page

Davao City, aarangkada sa 2026 rollout ng Home-Grown School Feeding Model na hango sa BARMM

  • Diane Hora
  • Dec 15
  • 2 min read

iMINDSPH

ree

Sa unang pagkakataon bumisita ang mga opisyal ng Davao City LGU at DepEd sa BARMM noong December 10, 2025 upang pag-aralan ang Home-Grown School Feeding (HGSF) Program ng rehiyon.


Inilalatag ng programang ito ang koneksyon ng school feeding sa pagpapatibay ng lokal na agrikultura at pagpapababa ng child malnutrition.


Sa naturang learning visit, sinuri ng Davao team kung paano pinangungunahan ng Bangsamoro Food Security Task Force (BFSTF) ang Food Security and Nutrition Roadmap ng rehiyon, habang ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ang nagpapatupad nito katuwang ang MAFAR, MOH, BPDA, LGUs at World Food Programme (WFP).


Bumisita rin ang delegasyon sa farm-to-school partnerships at kitchen operations sa Upi, kabilang ang meal preparation site sa Blala Elementary School, at nakipagpulong sa mga opisyal ng BARMM tulad ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal.


Nagsimula ang interes ng Davao team matapos maging viral ang social media post ni WFP Ambassador KC Concepcion na nag-highlight sa tagumpay ng modelo ng BARMM.


Naitatag ng BARMM ang HGSF program noong 2020 at kasalukuyang nakapaglilingkod sa humigit kumulang 160,000 learners kada taon katumbas ng 25% ng populasyon ng mga mag-aaral mula sa 11 schools divisions.


Mula 2024, higit 10,589 estudyante mula sa 28 schools ang tumatanggap ng araw-araw na hot meals sa ilalim ng convergence pilot na suportado ng:

• ₱22-million MBHTE budget para sa viands at operations

• WFP provision of iron-fortified rice, utensils, at technical support

• LGU support para sa kitchen upgrades at cook salaries

• MAFAR supply ng garden tools at seeds

• MOH para sa deworming tablets

• Farmer cooperatives para sa fresh local produce.


Dahil sa nakita nilang tagumpay ng BARMM, nakatakdang magpatupad ang Davao City ng sarili nitong HGSF rollout pagsapit ng June 2026 sa District 3, na popondohan ng LGU at DepEd. Layunin nitong tugunan ang child nutrition, palakasin ang learning outcomes, at suportahan ang kabuhayan ng lokal na magsasaka.



Ayon pa kay Councilor Antoinette Principe

Ipinakita ng BARMM kung ano ang posible kapag lahat ay nagtutulungan.


Itinuturing ang inisyatibang ito bilang patunay ng lumalakas na national momentum para sa sustainable at locally sourced school feeding programs kung saan nangunguna ang BARMM bilang modelo para sa iba pang rehiyon sa bansa.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page