Disaster-preparedness innovations, advanced technologies, at public-private partnership, isa sa mga natutunan ni South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr. sa isinagawang study tour sa Japan
- Diane Hora
- Dec 5
- 2 min read
iMINDSPH

Mainit na tinanggap ang delegasyon ng Pilipinas ng Japanese Ambassador at iba pang opisyal ng bansa at ipinakilala sa mga opisyal ang Disaster Risk Reduction and Management programs.
Binisita rin ng delegasyon ang Advanced Industrial Science and Technology o AIST research center, na kilala bilang isa sa mga leading institutions ng Japan para sa innovation and technological development.
Pagdating sa Pilipinas, inanunsyo ni Governor Reynaldo Tamayo Jr. ang mga plano nito sa probinsya base sa natutunan sa Japan’s disaster-management best practices.
Nakatuon ang study tour sa disaster preparedness, advanced technologies, at public–private collaboration, na inaasahang makakatulong at magsisilbing gabay sa major improvements sa disaster-risk reduction strategies ng probinsya.
Isa rin umano sa standout features na nasaksihan ng gobernador ay ang advanced disaster-prediction simulator ng Japan na kaya umanong ma-predict ang tindi ng natural calamities tulad ng bagyo, baha, at lindol na makakatulong sa otoridad na mapaghandaan ang mga posibleng scenario at maagang pagpaplano.
Dahil dito, binabalak nang i-enhance ng gobernador ang provincial simulator na kasalukuyang ginagamit ng South Cotabato.
Ayon kay Gov. Tamayo, ang malakas na partnership model ng Japan government, private companies, at mga stakeholders ang isa sa mahalagang leksyon sa matagumpay na pagpapatupad ng mga programa.
Aktibo umano ang private sector sa Japan na pondohan ang research, technology development, at mga innovation-driven projects na nakakatulong sa pag-unlad ng national at local economies.
Ang collaborative approach umanong ito ay gagawin din nito sa probinsya ng South Cotabato.
Sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng teknolohiya, forecasting tools, at kooperasyon sa pagitan ng private industries, maitatatag aniya ang isang mas ligtas, mas resilient, at innovative na probinsya na handang harapin ang anumang hamon sa climate change at natural disasters.



Comments