Dispatcher ng tricycle, patay matapos pag babarilin ng hindi pa kilalang suspek sa Doña Blanco Street, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City
- Teddy Borja
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang biktima na si Allan Fermin, residente ng Kakar, Poblacion 8, Cotabato City.

Ayon sa imbestigasyon ng Police Station 1, naglalakad ang biktima sa kalye, nang sumulpot ang hindi pa nakikilalang suspek at pinag babaril ang nasabing biktima sa kanyang noo.
Agad na dinala ang biktima sa Cotabato Regional and Medical Center ngunit idineklara itong dead on arrival ng kanyang attending physician.
Narekober ang isang pirasong fired cartridge case na pinaniniwalaang mula sa kalibre .45, personal grudge ang isang motibo na tinitingnan ng awtoridad.
Comments