top of page

Driver, arestado sa Sarangani Province sa kasong panggagahasa

  • Teddy Borja
  • 6 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinilala ang naaresto na si alyas “Jadu”, 32 taong gulang, may asawa, at residente ng Malungon, Sarangani Province.


Kabilang ang suspek sa listahan ng Top 10 Most Wanted Person sa Regional Level.


Ang suspek ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong panggagahasa na inisyu ng Presiding Judge ng RTC, Branch 48, 11th Judicial Region, Alabel, Sarangani Province, na may petsang Setyembre 7, 2023.


Walang inirekomendang bail bond ang korte sa suspect.


Agad dinala ang suspect sa Malungon Municipal Police para sa booking at tamang disposisyon.

 
 
 

댓글

별점 5점 중 0점을 주었습니다.
등록된 평점 없음

평점 추가

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page