iMINDSPH

Napasakamay ng otoridad ang isang alyas “Tata” 56-anyos, driver at residente ng Purok Bagong Lipunan, Barangay Kenram, Isulan, Sultan Kudarat, a-3 ng Marso.
Inaresto si alyas “Tata” sa nabanggit na lugar matapos isilbi ng otoridad ang Warrant of Arrest sa kasong rape.
Ang operasyon ay pinagsamang ikinasa ng mga tauhan ng Isulan Municipal Police Station, 1st Provincial Mobile Force Company, Criminal Investigative and Detection Group (CIDG) 12; Highway Patrol Team- Sultan Kudarat; and Regional Intelligence Division (RID) 12.
Nasa kustodiya na ng Isulan Municipal Police ang suspek habang hinihintay ang issuance ng commitment order mula sa korte.
Comments