top of page

HOME-GROWN SCHOOL FEEDING PROGRAM

  • Diane Hora
  • 3 days ago
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Isinagawa ng MBHTE ang Ceremonial Launch ng Home-Grown School Feeding (HGSF) Program kasabay ng Culmination Program ng Nutrition Month, sa Mohammad Ali S. Guro Gymnasium sa bayan ng Matanog.


Pinangunahan ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE), ang naturang aktibidad na dinaluhan ng mga opisyal ng ministeryo, lokal na pamahalaan, mga pinuno ng paaralan, at mga mag-aaral—bilang pagkilala sa kahalagahan ng kalusugan at edukasyon.


Sa taong ito, pinalawak ng MBHTE ang saklaw ng programa sa 28 paaralan mula sa dating 9, na ngayon ay sumasaklaw na rin sa 10 bayan sa Maguindanao del Norte. Tinatayang 10,451 mag-aaral ang makatatanggap ng masustansyang pagkain araw-araw sa loob ng 175 feeding days.


Ang mga pagkain ay ihahanda gamit ang mga sangkap na direktang binili mula sa lokal na mga magsasaka at mangingisda, na hindi lamang sumusuporta sa kalusugan ng kabataan kundi pati na rin sa kaunlarang pang-ekonomiya ng komunidad.


Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Minister Mohagher M. Iqbal na ang programa ay konkretong pagpapamalas ng Moral Governance at hakbang tungo sa katarungan at pagkakapantay-pantay sa edukasyon.


Dumalo rin si Dr. Baiking Balinte, kinatawan ni Governor Datu Tucao Mastura ng Maguindanao del Norte, kasama si Mayor Zohria Bansil-Guro ng Matanog at si BGen. Larry Batalla, at nagpahayag ng kanilang pangakong suportahan ang kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral sa rehiyon.


Lubos din ang pasasalamat ng MBHTE sa matibay na pakikiisa ng UN World Food Programme (WFP) na patuloy na katuwang sa pagtitiyak na walang mag-aaral sa Bangsamoro ang mapag-iiwanan pagdating sa pangunahing pangangailangang nutrisyon.


Bilang bahagi ng programa, isinagawa rin ang seremonyal na pamamahagi ng tulong tulad ng feeding program support check, kitchen utensils, iron-fortified rice, garden tools at seeds, at deworming supplies sa mga benepisyaryong paaralan.


Sinundan ito ng ceremonial feeding, commitment wall signing, at mural painting bilang simbolo ng partisipasyon ng komunidad, suporta sa mga mag-aaral, at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor.

 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page