top of page

Electrical arcing ng conductor ng Structure 174 ng NGCP sa Sultan Kudarat, nagdulot ng malawakang brownout sa Cotabato City at kalapit-probinsya; posibleng pagtama ng ligaw na bala

  • Diane Hora
  • Dec 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

6:23 kagabi nang mawala ang suplay ng kuryente sa buong franchise area ng Cotabato Light and Power Company.


Sa abiso ng NGCP, hindi lang Cotabato City ang apektado ng brownout kundi ang maraming lugar sa Maguindanao, Cotabato Province, at SGA.


Ayon sa NGCP, nagkaroon ng emergency shutdown ng Kibawe–Sultan Kudarat 138kV Line dahil sa electrical arcing ng conductor ng Structure 174 malapit sa NGCP Sultan Kudarat Substation.


Dagdag sa advisory ng NGCP, posibleng tinamaan ito ng ligaw na bala mula sa insidente ng pamamaril sa lugar, araw ng Sabado, sa labas ng NGCP facility.


Sa panayam ng Bureau of Fire Protection Sultan Kudarat—


[pause for SOT]


Naibalik ang suplay ng kuryente sa lungsod mag-a-ala-una na ng madaling araw, at umaga na nang maibalik din ang suplay ng kuryente sa iba pang lugar.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page