top of page

Empleyado ng LGU Matalam, natagpuan na wala ng buhay sa loob ng pick up sa madamong bahagi ng national highway ng Barangay Poblacion

iMINDSPH



Ayon sa Matalam Municipal Police, ang biktima ay kinilalang si Ferdinand Joseph Jimenez, 50 years old at residente ng nabanggit na barangay.


Nangyari ang pamamaril ayon sa otoridad ala 6:00 kaninang umaga.


Ayon sa otoridad, binaril ang biktima ng hindi pa kilalang suspek gamit ang .45 caliber base na rin sa mga basyo na nakita sa crime scene.


Natagpuan ng otoridad ang 14 basyo ng bala sa pinangyarihan ng krimen.


Inaalam pa ng otoridad ang motibo sa krimen


Kinondena naman ng Matalam Municipal Police ang nangyaring pamamaril at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng biktima.


Tiniyak din ng otoridad ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang nasa likod ng pamamaril.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page