top of page

Enhancement Capacity Training on Investigation, isinagawa ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur upang palakasin pa ang kakayahan ng mga pulis sa probinsya

  • Diane Hora
  • Dec 1
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Bilang suporta sa mga pulis sa probinsya, nagsagawa ng Enhancement Capacity Training on Investigation ang Provincial Government of Maguindanao del Sur para sa mga pulis na naglalayong palakasin ang kanilang kakayahan sa pag-iimbestiga ng krimen at traffic management.


Mula sa dalawampu’t apat na Municipal Police Stations ang kalahok sa training, kung saan nabigyan sila ng mas malawak na kaalaman at pag-intindi sa tamang investigative procedures at makabagong pamamaraan sa paghawak ng mga kaso.


Naging paksa ang “Considerations in Conducting Investigation,” kung saan binigyang-diin ang fundamental principles of investigation, legal frameworks, proper documentation, and the importance of objectivity.


Sa traffic investigation naman, tinalakay ang “Road Crash Investigation,” na naka-sentro sa systematic process of assessing road incidents, including scene management, identification of contributing factors, and technical reconstruction of events.


Ang hakbang ay pagpapalakas ng kakayahan ng mga pulis sa lalawigan bilang katuwang ng provincial government sa pagpapanatili ng isang payapa, maayos, at ligtas na mga komunidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page