iMINDSPH
Kinumpiska ng otoridad ang 490 boxes ng smuggled cigarettes lulan ng inabandonang wing van trucks, araw ng Sabado, September 21 sa Sitio Holbot, Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao del Norte.
Ang mga ipinuslit na sigarilyo ay nagkakahalaga ng Php 18,130,000.00 na isinakay sa isang pulang wing van na may plate number na GRL339 at isang green wing van na may plate number na CAJ2981.
Iniimbestigahan pa ng otoridad ang nasa likod ng mga kontrabando at pagkakakilanlan ng mga ito.
Agad dinala ang mga smuggled cigarettes sa Parang Municipal Police Station para sa documentation at proper disposition.
Ang operasyon ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Parang Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit Maguindanao del Norte, Regional Intelligence Unit 15, 3rd Maneuver Platoon, 32nd Company Marine Battalion Landing Team – 2, National Intelligence Coordinating Agency 17, PDEA, RIAT-RDEU/CTU, at Maguindanao Maritime Police Station.
Bahagi ito ng pinalakas na Law Enforcement Operations at Anti-Smuggling Campaign ng PNP PRO BAR
Commenti