Feasibility Study ng Simuay Bridge, sinimulan na
- Diane Hora
- Nov 24
- 1 min read
iMINDSPH

Sinimulan na ng SMEC at PRIMEX ang feasibility study sa paggawa ng bagong tulay ng Simuay sa ilalim ng Urgent Bridges Project for Rural Development Phase II.
Ito ay isang proyektong naglalayong magtayo ng bagong Simuay Bridge na magsisilbing pangunahing tulay na magdudugtong sa Sultan Mastura at Sultan Kudarat.
Nagkaroon ng pulong ang SMEC at PRIMEX kay Sultan Mastura Mayor Armando Mastura, kung saan tinalakay at ipinresenta ang technical processes at ang inaasahang saklaw ng site investigation.
Ipinakita rin ng LGU ang kanilang commitment sa ginagawang pagsusuri para sa proyekto, kung saan nagbigay sila ng mahahalagang detalye at datos para sa pagpaplano ng imprastruktura.
Layon ng site investigation na malaman ang topograpiya, kapaligiran at iba pang teknikal na aspeto upang matiyak na magiging matatag, ligtas at akma sa pangangailangan ng komunidad ang itatayong proyekto.



Comments