Filipino mountaineer na si Rhisael "Ric" Rabe na tubong Cotabato City, matagumpay na naakyat ang tuktok ng Mt. Everest; LGU Cotabato City, nagpaabot ng pagbati kay Rabe
- Diane Hora
- May 19
- 1 min read
iMINDSPH

Naakyat ni Rhisael “Ric” Rabe ang tuktok ng Mt. Everest, Huwebes ng Umaga (Nepal Time).

Ito ay base sa social media post ng kanyang asawa na si Aileen Rabe.
Matapos ang halos dalawang dekada, si Ric ang unang pinoy na nakaakyat sa Mount Everest at siya ang ika-anim na Filipino na nakaakyat sa pinakamataas na bundok sa buong mundo.
Kinumpirma naman ng may bahay nito na ligtas at matagumpay nang nakabalik sa base camp ang kaniyang asawa kahapon, May 17, 2025.
Si Ric ay tubong Cotabato City.
Nagpaabot naman ng pagbati si Cotabato City re-elected Mayor Bruce Matabalao sa tagumpay na narating ni Rabe
Comentarios