Final round ng konsultasyon hinggil sa proposed Bangsamoro Public Petitions Act at Bangsamoro People’s Initiative Act, isinagawa sa Tawi-Tawi
- Diane Hora
- 3 hours ago
- 1 min read
IMINDSPH

Sa ilalim ng Parliament Bill No. 320, o ang Bangsamoro Public Petitions Act, nilalayon na gawing pormal kung paano ipaabot ng mga mamamayan ang kanilang saloobin o concerns sa Parliament, habang ang Parliament Bill No. 165, o ang Bangsamoro People’s Initiative Act, ay magpapahintulot naman sa komunidad na mag-draft at magpanukala ng bagong legislation.
Isinagawa sa Tawi-Tawi ang final round ng konsultasyon hinggil sa dalawang proposed measures.
Sinabi ni Committee Chair John Anthony “Jet” Lim, ang mga panukalang batas ay nagbibigay ng daan para makibahagi ang mga mamamayan at maipahayag ang tunay na pangangailangan ng sambayanan.
Sinabi naman ni Deputy Speaker Omar Yasser Sema, ang author ng Public Petitions Act, mapapalakas ang mga panukalang batas ang boses ng mamamayan tulad ng mga usapin hinggil sa districting, na isa aniya sa mga adbokasiya ng yumanong Speaker Pangalian Balindong.
Nanawagan naman ng pagkakaroon ng mekanismo ang mga government agency civil society, youth groups, at academe na magtitiyak ng maagap na parliamentary responses at inclusion ng Indigenous Peoples at mga residente sa remote areas.



Comments