Final testing at sealing ng Automated Counting Machine (ACM) sa Maguindanao del Norte, isasagawa sa May 2-7, 2025 ayon kay PES Atty. Nabil Mutia
- Diane Hora
- Apr 22
- 1 min read
iMINDSPH
PHOTO: PIA

Naipadala na ang mga election paraphernalia sa iba’t ibang bayan sa Maguindanao del Norte.
Ito ang kumpirmasyon mula kay Provincial Election Supervisor Atty. Nabil Mutia.
Susunod na rin ayon sa opisyal ngayong linggo ang mga machine na gagamitin sa halalan.
Isasagawa na ng COMELEC Maguindanao del Norte ang final testing at sealing ng Automated Counting Machine sa a-2 hanggang a-7 ng Mayo.
Ang lalawigan ng Maguindanao del Norte ay binubuo ng labindalawang bayan.
Ito ay kinabibilangan ng Datu Odin Sinsuat, Datu Blah Sinsuat, Upi, Talitay, Sultan Kudarat, Sultan Mastura, Parang, Matanog, Buldon, Barira, Kabuntalan at Northern Kabuntalan.
Comments