iMINDSPH

Hindi matatawaran ang sipag, galing at tapang…
Ganito inilarawan ni Isabela City, Basilan Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman si Ricardo “Rix” Laguardia.
Ang focal person ng Peace and Order Council at City Anti-Drug Abuse Council ng syudad.
Instrumento rin ayon sa alkalde sa pagkilala at parangal na tinanggap ng LGU si Laguardia.
Ayon sa report, binaril ng hindi pa kilalang mga salarin si Laguardia sa tapat mismo ng gate ng kanilang bahay kagabi.
Naisugod pa ito sa pagamutan pero binawian din ng buhay.
Hustisya ang sigaw ng alkalde at ng buong LGU Isabela City sa sinapit ng biktima.
Isang malaking kawalan aniya ito sa lokal na pamahalaan.
Samantala, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng otoridad sa insidente.
Comments