top of page

Food packs, bigas, hygiene kits, shelter kits at kitchenwares, hatid ng Project TABANG sa 11 pamilya na nasunugan sa Talitay, Maguindanao del Norte

  • Diane Hora
  • 6 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Agad na nagpaabot ng tulong ang Project TABANG sa labing-isang (11) pamilyang biktima ng sunog sa Barangay Poblacion, Talitay, sa pamamagitan ng pamamahagi ng food packs, bigas, hygiene kits, shelter kits, at kitchenwares.


ree

Isinagawa ang distribusyon, araw ng Huwebes, July 24, 2025.


Ang insidente ng sunog ay naganap gabi ng Hulyo a-23 at nagdulot ng matinding pinsala sa mga tahanan ng mga apektadong pamilya, kabilang ang pagkasawi ng isang walong taong gulang na batang lalaki.


Ang Project TABANG ang isa sa mga flagship programs ng tanggapan ng Chief Minister ng BARMM.

 
 
 

Kommentare

Mit 0 von 5 Sternen bewertet.
Noch keine Ratings

Rating hinzufügen

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page