Food packs, bigas, shelter kits, at kitchenwares, hatid ng Project TABANG sa mga nasunugan sa Poblacion 1, Cotabato City
- Diane Hora
- Aug 7
- 1 min read
iMINDSPH

Agad na nagpaabot ng tulong ang Project TABANG sa mga residenteng naapektuhan ng sunog sa Barangay Poblacion 1, ngayong Miyerkules, Agosto 6, 2025.
Sa pangunguna ni Project Manager Brahim Lacua at ng Rapid Reaction Team, namahagi ang grupo ng food packs, sakong bigas, shelter kits, at kitchenwares para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan sa insidente.
Ang mabilis na humanitarian response ay isinagawa sa ilalim ng Ayuda Alay sa Bangsamoro (ALAB) — isang sub-programa ng Humanitarian Response and Services ng Bangsamoro Government. Ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na agarang matugunan ang pangangailangan ng mga komunidad sa oras ng sakuna.
Ang nasabing inisyatiba ay pinangungunahan ng Opisina ni Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua, sa pamamagitan ng Project Management Office (PMO) ng Project TABANG.



Comments