top of page

“Food Security Maging Priority, Sapat na Pagkain Karapatan Natin”

  • Diane Hora
  • Aug 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pinangunahan ng Provincial Nutrition Committee ang selebrasyon bilang bahagi ng kampanya ng Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon o BangUn—isang malawakang inisyatiba para sa food security at malusog na pamumuhay sa buong Bangsamoro Region.


Nakiisa sa pagdiriwang si Sultan Mastura Mayor Datu Armando Mastura, Al-hadji, bilang host ng nasabing aktibidad.


Dumalo rin si Bai Shajida B. Mastura, Chief of Staff, bilang kinatawan ni Governor Datu Tucao Mastura, CPA, na hindi nakadalo sa aktibidad.


Sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad gaya ng nutrition games, educational booths, at pamimigay ng health tips, layon ng selebrasyon na palakasin ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng sapat at masustansyang pagkain, lalo na sa mga kabataan.


Isa lamang ito sa mga hakbang ng pamahalaang panlalawigan upang masigurong walang Bangsamoro ang maiiwan sa laban kontra malnutrisyon at food insecurity.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page