Force evacuation, ipinatupad ng LGU DOS sa ilang residente ng ilang residente ng Poblacion Dalican
- Diane Hora
- May 21
- 1 min read
iMINDSPH

Sapilitang inilikas ng Local Government Unit ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ang ilang residente ng Poblacion Dalican, matapos rumagasa ang baha kagabi.

Ang force evacuation ay pinangunahan ng MDRRMO-Datu Odin Sinsuat.

Sa tulong ng BFP-Datu Odin Sinsuat at PNP-DOS, ligtas na nailikas ng MDRRMO-DOS ang mga residente na lubhang naapektuhan ng rumaragasang baha na dulot ng malakas na ulan simula pa araw ng Lunes.
Una ng nagpaalala ang MDRRMO-DOS sa lahat ng mga naninirahan sa mga low-lying area na mag-ingat, maging alerto at agad na lumikas kung kinakailangan dahil sa posibleng pagbaha at mabilis na pagragasa ng tubig mula sa kabundukan.
Sa ngayon, patuloy paring minomonitor ng MDRRMO-DOS, BFP, PNP, AFP at PDRRMO ang mga lugar sa Datu Odin Sinsuat na apektado ng baha.
Pinapaalalahanan ang lahat na makipagtulungan at sundin ang mga tagubilin ng awtoridad para sa kaligtasan ng lahat.
Comentarios