iMINDSPH
Sasabak muli sa congressional race si former congresswoman Bai Sandra Sema at former Congressman Toto Mangudadatu. Pormal na inendorso ang dalawa ng United Bangsamoro Justice Party.
Tatakbo muli sa posisyon na kongresista sa Maguindanao del Sur si former congressman Toto Mangudadatu.
Opisyal na inendorso ang dating mambabatas sa ginanap na endorsement ng UBJP sa mga local candidates nito para sa 2025 elections.
Samantala, pormal na rin na inendorso si dating congresswoman Bai Sandra Sema bilang pambato ng UBJP sa congressional race sa Maguindanao del Norte.
Makakatunggali ng dating mambabatas ang kasalukuyang kongresista Bai Dimple Mastura ng partidong LAKAS-CMD.
Sa mga naunang pahayag ng dating mambabatas, marami pa aniyang mga dapat gawin kaya babalik itong muli sa pagsisilbi sa bayan
Comentarios