top of page

FortuneGod Philippines Chairman David Huang, nakipagpulong sa mga opisyalng BARMM hinggil sa potential investments sa rehiyon

  • Diane Hora
  • Nov 28
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Bumisita sa Cotabato City ang Chairman ng FortuneGod Philippines na si David Huang.


Nakipagpulong ito sa ilang BARMM officials kasama si Member of Parliament Atty. Naguib Sinarimbo.


Layunin ng kanyang pagbisita ang makipag-ugnayan sa pamahalaan para sa posibilidad ng partnership.


Nagbigay naman ng gabay at impormasyon si MP Sinarimbo hinggil sa mga umiiral na batas ng Bangsamoro Government na may kinalaman sa economic zones, pamumuhunan, at regulasyon.


Layunin nitong matiyak na anumang posibleng partnership ay magiging alinsunod sa legal na balangkas at prayoridad ng rehiyon.


Binigyang-diin na ang anumang pakikipagtulungan sa pribadong sektor ay dapat makapaghatid ng benepisyo sa mamamayan, kabilang ang paglikha ng disenteng trabaho, pag-unlad ng lokal na ekonomiya, at pagsunod sa mga patakaran at prinsipyo ng Bangsamoro Government.


Kilala ang FortuneGod Philippines sa kanilang malawak na karanasan sa pag-suporta at pag-develop ng mga economic zones sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page