top of page

GAMOT, ITINURN OVER NG PROJECT TABANG SA RHU NG DATU ABDULLAH SANGKI; BIGAS AT FOOD PACKS, IPINAMAHAGI SA MGA BINAHANG RESIDENTE NG KALANGANAN II, COTABATO CITY

iMINDSPH



Nag-ikot muli ang Project TABANG sa patuloy na pamamahagi ng mga gamot sa mga Rural Health Unit sa iba’t ibang bayan sa rehiyon.



Tinungo ng mga kawani ng programa ang mga RHUs ng Datu Abdullah Sangki sa probinsya ang Maguindanao del Sur, araw ng Miyerkules, October 23 at itinurn over ang mga gamot.



Samantala, namahagi rin ang Project TABANG ng food packs at tig 25-kg na sako ng bigas sa dalawampung indibidwal na apektado ng pagbaha sa Barangay Kalanganan II, Cotabato City araw din ng Miyerkules, October 23.



Ang project TABANG ang isa sa mga flagship programs ng tanggapan ni Chief Minister Ahod Ebrahim.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page