Gov. Mujiv Hataman, NAPOCOR, at iba pang energy partners, nagpulong upang solusyunan ang problema sa kuryente sa lalawigan
- Diane Hora
- Nov 13
- 1 min read
iMINDSPH

Mahalaga ang pagkakaroon ng stable na suplay ng kuryente para sa isang ligtas, maunlad, at may seguridad na probinsya dahilan kung bakit prayoridad ng Provincial Government ng Basilan ang pagtugon sa suliraning ito.
Kamakailan, nagpulong si Governor Mujiv Hataman kasama ang mga opisyal ng National Power Corporation (NAPOCOR) at iba pang energy partners upang pag-usapan ang pag-install ng NPC sub-station at transmission line projects sa lalawigan.
Tinalakay sa pulong kung paano maisasagawa nang maayos ang mga plano, mapagtibay ang koordinasyon sa implementasyon, at matiyak ang malinaw na benepisyong maidudulot sa mga bayan sa probinsya.
Ayon sa Provincial Government, kapag naisakatuparan ang proyekto, inaasahang mababawasan ang mga brownout, at mas magkakaroon ng ilaw sa mga paaralan, health centers, at maliliit na negosyo.



Comments