top of page

GOVERNMENT CENTER, MARINES AT PULIS MAHIGPIT NA NAKABANTAY SA LOOB AT LABAS NG BGC COMPOUND NGAYONG UNANG ARAW NG PAGHAHAIN NG CERTIFICATE OF CANDIDACY

iMINDSPH



Naka umang ang tankeng pandigma sa loob ng Bangsamoro Government Center at naka kalat naman sa loob at labas ng BGC ang mga miyembro ng Philippine Marines ngayong unang araw ng paghahain ng COC.



Mahigpit ang seguridad na ipinatutupad ng otoridad sa mga papasok ng compound kung saan dadaan sa masusing inspeksyon ang mga ito.



Ito ang makikita sa loob ng Bangsamoro Government Center simula ngayong unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy.



Naka umang ang tankeng pandigma sa loob ng BGC at naka kalat naman sa loob at labas ng compund ang mga miyembro ng Philippine Marines at Pulis ngayong unang araw ng paghahain ng COC.



Mahigpit ang seguridad na ipinatutupad ng otoridad sa mga papasok ng compound kung saan dadaan ang mga ito sa masusing inspeksyon.



Sa mga kandidato ng Cotabato City na maghahain ng COC, tutungo ang mga ito sa Shariff Kabunsuan Complex kung saan inilipat pansamantala ang tanggapan ng COMELEC Cotabato City para sa pagtanggap ng mga ihahaing COC.


Sa tanggapan naman ng COMELEC Maguindanao del Norte sa loob ng BGC compound maghahain ang mga kandidato sa provincial posts ng Maguindanao del Norte.


Simula ngayong unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy-


Ito ang magiging sitwasyon sa Gov Gutierrez Avenue, Cotabato City papasok sa Bangsamoro Government Center.


Isang sasakyan lamang bawat kandidato ang papayagang makapasok sa loob ng Bangsamoro Government Center.


Hindi rin papayagan ang mga maghahain ng COC na magdala ng armas sa loob ng BGC.


Hindi rin papayagan ang mga supporters ng mga kandidato at convoy ng mga ito na papasok ng BGC.


Nasa Full Alert Status ngayon ang PNP PRO BAR upang mas higpitan at palakasin pa ang security at operational preparations para sa peaceful at orderly na paghahain ng COC.


4,888 police personnel ang idineploy ng PNP PRO BAR sa 119 municipalities at cities na nasa ilalim ng kanilang AOR na kinabibilangan ng Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, at Cotabato City.


Kabilang dito ang 1,468 personnel na magpapatupad ng seguridad sa mga ruta at checkpoints-


1,294 naman ang itinalaga na Civil Disturbance Management Contingents-


1,232 ang magsisilbing security personnel-


544 ang nakatuka na convoy security; at 350 na Quick Reactionary Forces.


Nais ng PRO BAR na matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan lalo na ang mga kakandidato na maghahain ng kanilang Certificate of Candidacy sa lahat ng lugar sa rehiyon.

Komentar

Dinilai 0 dari 5 bintang.
Belum ada penilaian

Tambahkan penilaian

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page