top of page

Governor Datu Ali Midtimbang, Gawad Pilipino Lingkod Bayan Awardee sa ginanap na parangal.

  • Diane Hora
  • 2 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Kinilala si Governor Datu Ali Midtimbang bilang Gawad Pilipino Lingkod Bayan Awardee 2025 – Natatanging Gobernador na Naglilingkod sa Tao at sa Bayan, isang parangal na iginawad noong Disyembre 27, 2025 sa AFP Commissioned Officers Club House, Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City. Iginawad ang pagkilalang ito bilang pagkilala sa kanyang makatao, makatarungan, at pusong paglilingkod na may malasakit sa mamamayan ng Maguindanao del Sur.


Ang parangal ay tinanggap ni Provincial Administrator Datu Nur Ali Midtimbang sa ngalan ng Gobernador.


Ang pagkilalang ito ay patunay ng isang pamumunong nakabatay sa malasakit at katarungan, kung saan ramdam sa mga komunidad ang Serbisyong May Puso at Serbisyong Mapagtimbang—patas, makatao, at para sa lahat.


Hindi lamang ito tagumpay ng isang lider, kundi ng buong Maguindanao del Sur. Ayon sa Gobernador, nagsisilbi itong inspirasyon upang ipagpatuloy ang tapat na paglilingkod para at kasama ang bayan, habang iniaalay ang karangalang ito sa bawat pamilya at komunidad bilang pasasalamat sa patuloy na tiwala at suporta ng mamamayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page