Grade 12 students ng Sarilikha National High School, sumailalim sa career guidance at employment coaching ng MOLE
- Diane Hora
- Nov 11
- 1 min read
iMINDSPH

Upang bigyan ng gabay ang mga estudyante sa pagpili ng kurso sa kolehiyo
Nagsagawa ng Career Guidance and Employment Coaching Session ang MOLE sa Sarilikha National High School sa pangunguna ng Bureau of Employment Promotion and Welfare (BEPW) ng ministry noong ika-5 ng Nobyembre.
Umabot sa 46 Grade 12 students mula sa strands ng Humanities and Social Sciences at General Academic ang lumahok sa naturang sesyon.
Tinalakay ng MOLE–BEPW team ang mahahalagang kaalaman ukol sa career planning, job-seeking strategies, at employability skills na magsisilbing gabay sa mga mag-aaral sa paggawa ng matalinong desisyon sa kanilang magiging propesyon.
Bukod dito, binigyang-diin din ng programa ang kahalagahan ng self-assessment, goal setting, at pagpaplano ng karera bilang paghahanda sa pagharap sa kompetisyon sa labor market.



Comments