Granada, natagpuan ng awtoridad sa Barangay Labu-Labu II, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur
- Teddy Borja
- 9 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Isang granada ang natagpuan ng awtoridad sa Sitio Gogo, Barangay Labu-Labu II, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur.

Isa itong fragmentation hand grenade.
Natagpuan ito alas 5:00 ng hapon, araw ng Linggo, June 15.
Agad nakipag-ugnayan ang Datu Hoffer MPS sa EOD Team para hindi na ito makapaminsala pa.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad upang matukoy kung paano ito napunta sa lugar.
Commentaires