top of page

Guidelines for Mutual Understanding, nilagdaan ng GPH, MILF, at Ad Hoc Joint Action Group para sa ceasefire-related functions, lalo na sa nalalapit na 2025 National and Local Elections

  • Diane Hora
  • Apr 30
  • 1 min read

iMINDSPH


Nilagdaan ng mga opisyal mula gobyerno, Moro Islamic Liberation Front at Ad Hoc Joint Action Group ang Guidelines for Mutual Understanding para sa ceasefire-related functions lalo na para sa nalalapit na May 2025 National at Local Elections.



Isinagawa ito, araw ng Martes sa Camp Darapanan, Crossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.



Ang guidelines for mutual understanding ay nilagdaan ni Brig. Gen. Patricio Ruben Amata, Acting Chairman, GPH-CCCH at Deputy Commander, Joint Task Force Central, P/Maj. Gen. Romaldo Bayting, Chairman, GPH-AHJAG; Butch Malang, Chairman, MILF-CCCH; at Director Anwar Alamada, Chairman, MILF-AHJAG.



Ang ceremonial signing ay dinaluhan ni Western Mindanao Command (WestMinCom) Commander Lt. Gen. Antonio Nafarrete at Joint Task Force Central Commander Maj. Gen. Donald M. Gumiran.



Layunin ng hakbang na matiyak ang peaceful, orderly, at credible elections sa May 12, 2025, sa pamamagitan ng activation ng GPH-MILF Peace Mechanism Quick Response Team (QRT) at implementasyon ng newly signed ceasefire guidelines.


Suportado rin ng Commission on Elections (COMELEC) ang hakbang sa pangunguna ni Atty. Ray E. Sumalipao.



Lumahok din si Atty. Allan Kadon, Provincial Election Supervisor ng Maguindanao del Sur; Atty. Mohammad Nabil Mutia, Provincial Election Supervisor ng Maguindanao del Norte; at Atty. Ellis Miguel, Provincial Election Supervisor ng Lanao del Sur.



Dumalo rin at nagpakita ng suporta si BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua, MP Mohagher Iqbal ang Chairperson ng MILF Peace Implementing Panel, Presidential Adviser Cesar Yano, ang Chairman ng GPH Peace Implementing Panel at P/Brig. Gen. Romeo Macapaz, Regional Director, PRO-BAR.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page