iMINDSPH

Kinilala ang biktima na si Warren Datuwata Rahaman, residente sa nabanggit na lugar.
Naganap ang pamamaril alas 2:30 ng hapon, araw ng Linggo, March 2.
Ayon sa otoridad, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin.
Base sa imbestigasyon ng otoridad, tinamaan ito sa ulo at iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Blanko pa ang otoridad sa motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga salarin.
Comments