iMINDSPH
Umabante na sa second reading ang Bangsamoro Halal Food Act of 2022 at Conflict Sensitive Planning in the Bangsamoro Act of 2022 na iniakda ni MP Amir Mawalil.
Iprenisinta ni Member of the Parliament Amilbahar Mawallil ang proposed Bangsamoro Halal Food Act of 2022 at ang Conflict Sensitive Planning in the Bangsamoro Act of 2022.
Umabante na sa second reading ang dalawang panukalang batas sa pagpapatuloy ng regular session ng BTA Parliament.
Ni-refer na ang mga panukalang batas sa Committees on Trade, Investment, and Tourism o CTIT, Public Order and Safety at sa Bangsamoro Justice System (CBJS) para sa karagdagang review.
Nilalayon ng Parliament Bill No. 60 na matiyak na naayon ang lahat ng halal food products sa Islamic dietary restrictions at quality standards sa rehiyon, habang ang PB No. 63 ay naglalayo naman na i-integrate ang conflict sensitivity sa planning processes sa lahat ng antas ng Bangsamoro Government.
Comments