top of page

Halos 15,000 indibidwal sa Eastern Samar ang naapektuhan ng Bagyong Tino

  • Writer: LERIO BOMPAT
    LERIO BOMPAT
  • 4 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Halos labinlimang libong indibidwal, o mahigit apat na libong pamilya sa Eastern Samar, ang apektado ng Bagyong Tino.


Batay ito sa Situational Report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ayon sa ulat ng Radyo Pilipinas.


Pinakamaraming apektado sa bayan ng Guiuan na may 5,704 indibidwal, sinundan ng Balangiga na may 1,631, at Salcedo na may 1,327 katao.


Sa bayan naman ng Guiuan, agad na nagsagawa ng preemptive evacuation sa mga flood-prone barangay, upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente, ayon pa sa report.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page