top of page

HALOS P800B BUDGET NG DEPED SA 2025, APRUBADO NA NG HOUSE OF REPRESENTATIVES

iMINDSPH



Aprubado na sa Kamara de Representantes ang halos walong daang bilyong piso na pondo ng Department of Education para sa taong 2025.



Nagpasalamat naman si Education Secretary Sonny Angara sa mga miyembro ng House of Representatives.


Patunay lamang ayon kay Education Secretary Sonny Angara na binibigyang prayoridad ng pamahalaan ang pagpapaganda at pagpapaunlad ng edukasyon sa bansa sa pag-apruba ng

Kamara de Representantes sa halos Php 800 bilyong pondo ng DepEd para sa taong 2025.


Partikular na nagpasalamat si Angara kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez gayundin sa mga nag-sponsor ng panukala dahil sa pagpapahalaga nito sa sektor ng edukasyon. Ito ang ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.


Ang pag-apruba sa budget ayon kay Angara ay naka-angkla sa adhikain ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagyamanin pa ang edukasyon sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga imprastraktura, pagsasaayos ng pasilidad.


Gayundin ang computerization ng mga paaralan at pagbili sa mga kagamitan sa pag-aaral ng mas maaga maging ang pagbibigay halaga sa kasanayan ng mga guro.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page