Health at Birthing Station, pormal nang naiturn-over ni MP Omar Sema sa Camp Ibrahim Sema, Datu Odin Sinsuat
- Diane Hora
- Nov 10
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ang turn-over ceremony ng isang palapag na Health Station at Birthing Station na may kompletong kagamitan para sa panganganak sa Camp Ibrahim Sema, Barangay Bago-Inged, noong November 7.
Ang naturang proyekto ay pinondohan sa pamamagitan ng Transitional Development Impact Fund 2021 ni Deputy Speaker MP Atty. Omar Yasser Sema, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱4M at ipinatupad ng Ministry of Public Works.
Sinimulan ang proyekto noong panahon ng former Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim at pormal nang naiturn-over sa ilalim ng administrasyon ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.
Ayon kay MP Sema, ito ang kauna-unahang paanakan at klinika sa Camp Ibrahim Sema na magsisilbi hindi lamang sa mga mandirigmang kasapi ng Moro National Liberation Front kundi pati sa mga residente ng Bago-Inged.
Malaking ginhawa naman ito sa mga kababaihang dati’y kailangang bumiyahe papunta sa sentro ng bayan upang manganak o magpa-check up kaya laking pasasalamat nila sa proyektong ito na magagamit ng komunidad.



Comments