Heavy equipment at engineering resources, inihanda ng Maguindanao Del Sur Provincial Government, bago pa man pumasok ng PAR si bagyong Uwan
- Diane Hora
- Nov 10
- 1 min read
iMINDSPH

Alinsunod sa Memorandum No. PGO-068 na inilabas ng tanggapan ni Maguindanao del Sur Governor Datu Ali Midtimbang, ipinatutupad ng Provincial Engineering Office ang mas pinaigting na paghahanda upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa anumang sitwasyong dulot ng bagyong may International name na Fung Wong o “Uwan”.
Bagama’t hindi direktang tatamaan ng bagyo ang lalawigan, nananatiling nasa Red Alert Status ang probinsya bilang bahagi ng preventive measures ng provincial government.
Kabilang sa mga inihahandang hakbang ang prepositioning ng mga heavy equipment, tulad ng backhoe, dump trucks at road graders, sa mga kritikal na lugar upang matiyak ang agarang clearing operations sakaling magkaroon ng pagbaha, pagguho ng lupa o pagbara sa mga pangunahing daan.
Ayon kay Governor Midtimbang, patuloy ang kanilang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya upang mapangalagaan ang kaligtasan ng bawat mamamayan at matiyak ang tuluy-tuloy na accessibility ng mga kalsada at daanan ng tulong.



Comments